Ikinagagalak at ikinasisigla naming ibalita sa inyo ang aming kauna-unahang proyekto para suportahan ang gating ipinagmamalaking si Kim Jaejoong. Ang pakay ng proyektong ito ay palaganapin sa sambayanan ang impormasyon tungkol kay Jaejoong at sa kanyang unang lokal na drama serye sa Korea, Protect the Boss. Si Jaejoong ay maraming taga-suporta sa ibat-ibang bansa at sa ating pagsasanib-pwersa, pakay naming ipaalam kay Jaejoong na kahit saang sulok ng mundo, maging sa malayong bansa, o sa isang maliit na siyudad na kailanman ay di pa niya naririnig, maraming tao ang nagmamahal at sumusuporta sa kanya.
Ang proyektong ito ay mahahati sa dalawang bahagi: Una, sa pakikipagtulungan sa Jaetime, layunin naming bumili ng mga anunsyo sa subway upang ipamalita ang Protect the Boss. Ang mga anunsyong ito ay ilalagay sa pasukan ng mga tren sa Korea sa loob ng isang buwan, para lumawak ang kaalaman ng mga pasahero at sambayanan tungkol kay Jaejoong at sa kanyang drama serye. Ang mga anunsyong ito ay makakatulong din sa lahat ng mga balakin at proyekto ni Jaejoong sa hinaharap dahil lalawak ang pagkakakilanlan ng taong-bayan sa kanya. Para lalong malinawan sa proyektong ito, ang isang magandang halimbawa ay ang mga anunsyo sa subway ng WorldclassJJ:
Ang ikalawang bahagi ng proyektong ito ay ang pagbibigay ng mga handog kay Jaejoong upang ipahayag ang ating pagpapahalaga sa mga kasiyahang ibinigay niya sa atin sa mga nakaraang panahon. Ang mga regalong ito ay di pa napagpapasiyahan sa ngayon dahil gusto naming malaman ang mga mungkahi ng mga nagkaloob ng donasyon. Ang lahat ng mungkahi ay ipagsasaalang-alang, subalit ang pangwakas na desisyon ay pagpapasiyahan ng mga admin ng KJJ International Fans, ayon sa pondo at ang posibilidad na maibigay ang mga regalong ito.
Halaga ng Proyekto at Donasyon
1 malaking anunsyo sa subway sa loob ng isang buwan = 3 million won (~$2,800 USD)
Aming binabalak na bumili ng maraming mga anunsyo sa subway, hangga’t kakayahin ng mga donasyong aming natanggap. Ang natitirang pondo ay gagamitin para sa mga regalo (fangifts).
Ang donasyon ay pwedeng gawin sa pamamagitan ng credit card o paypal. Kapag kayo ay nagbigay ng donasyon, pakisulat ang pangalan na gusto nyong ilathala sa listahan ang mga donasyon. Paki-bigay ang inyong donasyon sa email na ito: teamjaejoong@hotmail.com
Pananagutan:
Ilalathala namin sa website na ito ang listahan ng mga pangalan ng mga nagkaloob ng donasyon at halaga ng mga donasyong aming natanggap.
☞ Donate Here ☜
Translation by: @ceskjj


Pingback: [Project Announcement] Let’s promote and support Jaejoong! « Kim Jaejoong Int'l Fans